Sunday, May 4, 2008

Gising Taxi!

Masarap sumakay ng taxi lalo na kung madaling araw! Mahirap na kasing umuwi at magcommute ng mga around 1 or 2 am. Kung kaya naman hanap nating mga motorista ang mga taxi para tayo ay makauwing maginhawa at ligtas.

Ngunit paano na lamang kung ang taxing nasakyan mo ang magdadala pa sa iyo sa kapahamakan?

Tandang tanda ko pa ang araw na ako ay umwi ng around 2am dahil sa NBA LIVE.... Mainit ang bakbakan nun sa PS2 kung kaya't inabot ako ng madaling araw sa Taft Avenue. Nuong mga oras na yun ay madalang na ang mga taxing papunta sa aming lugar kung kaya't naisipan kong magtaxi...

Driver: San ho tayo?

Hafitz: (Sinabi ko ang lugar kung saan ako nakatira) Hehehe....

*Pansin ko ang pagkapagod ng taxi driver, marahil ay buong araw na syang gising!

Hafitz: Di naman ho ba kayo inaantok?

Driver: Ah, hindi naman... (Mukhang nagsisinungaling ang isang toh at papikit pikit pa.)

Hafitz: Sabihin nyo lang manong kung inaantok na kayo ha? Medyo inaantok na rin ho kasi ko kaya gusto ko sanang ma-iglip kahit konti.

Driver:..... (Aba, suplado. As if hindi nya narinig ang sinabi ko sa kanya)

*Mabagal bagal lang ang takbo ng aming taxi. Isang palatandaan na marahil antok na talaga ang driver. Hindi ko na binalak matulog sa taxi at sinubukan na lamang kausapin ang driver para malibang ito.

Hafitz: Ilang taon na kayong nagtataxi Manong?

Driver: Bago lang ako e. Katunayan nga unang araw kong mag pang gabi.

Hafitz: Ah ganun ho ba, e anong oras pa ang garahe nyo nyan.

Driver: Mamaya pang alas siyete.

*Pansin ko na parang hindi ganado ang driver makipag-usap dahil parang humihina ang boses nito tuwing sumasagot sya ng aking mga tanong...

Maya maya pa ay napadaan kami sa Quezon Ave at unti unti nang bumibilis ang takbo namin. Marahil ay nakabawi na ang drvier sa kanyang antok kaya dirediretso na ang aming byahe. Di kalayuan ay may tumawid na babae sa Kalsadang aming tinatahak, pansin kong hindi man lang nagmenor ang driver o umiwas man lang. (Baka talagang hindi lang mapagbigay ang driver.)

Maya maya pa ay palapit na kami sa isang Concrete slab ng MMDA at pansin kong hindi pa rin humihinto ang driver! Lumingon ako sa kanya at nakitang nakapikit na ito!

Hafitz: Manong babangga na tayo!

Driver: Ay huh?!!!

Sinalpok namin ang concrete slab ng MMDA at napalipad ako sa windshield dahil hindi ako nakaseatbelt!

Hafitz: Pot@ng !@#! Akala ko ho ba hindi kayo inaantok?

Driver: Napapikit lang ako! Inaantok kasi ako ng konti e.

Hafitz: E sana sinabi nyo na sakin kaagad para ako na lang ang nagmaneho! hindi yung parehas tayong madidisgrasya!

Driver: Boss baka naman pwede nyo na lang dagdagan ang bayad para mapaayos ko yung sira!

*Aba! At mukhan ako pa ang sasagot sa kapabayaan nya!

Sinabi ko na lamang sa driver na ihatid na ko sa aking bahay at dun na lang kami mag-usap. Pag dating sa bahay ay binigyan ko na lang sya ng kaunting tip.... Naawa rin naman ako at nahabag dahil ito ang kanyang unang gabing night shift!

Moral of the story: Always be alert when riding the taxi! Kausapin at daldalin ang driver (syempre maliban na lang kung lasing ka!).


Kaboom!