Friday, April 25, 2008

Romantiko!


Oh pag-ibig nga naman! Mapusok! Mainit! Lumalagablab! Kahit saan ito'y makikita! Kahit sa TISSUE?!!!! Wtf???!!!! Tama mga kaibigan! Sa aking mga paglalayag nuong ako ay kolehiyo pa ay aking natagpuan ang isang liham. Liham ng pagmamahal mula sa isang estudyanteng pariwara at di malaman ang gagawin upang mapa-ibig ang kanyang irog!

Nais kong ibahagi ang nilalaman ng liham na ito at kayo na ang maghusga kung seryoso ba ire'!

LIFE

Kelan ba ako matututo?
Ang hirap kasi nitong pag-aralan
Sabi nila wala pa daw nakaka-perfect dito

Pano nga ba?
Wala naman formula dito
Hindi daw yun math
Hindi rin daw english na may structure

Pero gusto kong maging maganda
Ang marka ko
Hindi sa school kundi sa mundo
Pero pano?

Mahirap daw hanapin ang isang taong ayaw magpakita
Ibig ba sabihin
Tinataguan niya ako?

Gusto ko lang naman sumaya
Tulad dati nung bata ako
Isang ice cream lang ok na

Pero ngayon iba na
Pero hindi pa rin nagbabago ang gusto ko
Sya pa rin
SYA LANG.

School boy 8/14/05

Hmmmm..... Anu sa tingin nyo?

Bilang patunay sa aking napulot na liham ay narito ang i-scanned copy ng tissue! Sosyal at mukhang starbucks tissue pa ang ginamit!


Kaboom!

2 comments:

chroneicon said...

naalala ko ito! haha! ibig sabihin nasa iyo pa rin yan hanggang ngayon?

HaFiTz said...

Hehe! Naisave ko pa ang scanned copy!